Bawal
Unti unti akong nahuhulog sa
kanyang mapupungay na mga mata, tila isa itong hipnotismo na pag iyong
natitigan tuluyan kang mawawala sa sarili mong kamalayan. Sa kanyang mga
ngiti ay patuloy akong nahuhumaling, pilit kong pinipigalan ang aking
sarili dahil ang lahat ng ito ay bawal.
“Bawal hindi na ma-aari, hindi na pwede”
“Pero bakit? Paano mo ito mapipigilan?”
Pilit
na nagtatalo ang aking puso’t isipan. Sino nga ba ang dapat na magwagi
sa kanilang dalawa? Ang puso ko na walang kadala dala sa mga tinatamong
kabiguan o ang isipan kong hindi kayang talunin ang aking puso pagdating
sa larangan ng pag – ibig?
Bakit nga ba bawal?
Tulad
ng mga bituin sa malawak na kalangitan ang kaningningan nito ay pag
aari na ng buwan, na kahit na anong pilit kong abutin malabo pa sa tubig
ng ilog pasig kong makakamit. Yung tipong kahit na maghintay ako sa
kanyang pagbasak sa lupa sa huli hindi pa rin sya mapapasa akin kasi
malamang naman na hindi din sa eksaktong lugar na kinatatayuan ko ang
magiging pagbagsak nya.
“Pigilan mo ang aking puso na tumibok para sayo, ikaw lang ang tanging makagagawa non.”
Bukod
tanging ikaw lang ang makakapipigil sa damdaming ito na namumuo sa
aking puso. Dahil ikaw naman ang dahilan kung bakit ito muling natutong
tumibok. Pero paano? Gayong wala ka namang kamalay malay sa nararamdaman
ko para sayo. Ni katiting na ideya alam kong wala ka, dahil ang alam mo
ang mga ngiti ko ay pag mamay ari na ng iba, pero ang katotohanan ang
lahat ng ngiting ito ay sayo nagmumula.
“Basta isipin mo lang na bawal!”
Oo
na, sige na, sa ngayon hahayaan kong manaig ang aking isipan dahil alam
kong wala rin naman tong patutunguhan. Sa huli wala rin naman akong
ibang sisihin kungdi ang aking sarili. Kaya’t habang maaga pa pipigilin
ko na ang bawal.
“Ang bawal na pag ibig na namumuo sa loob ng aking puso’t isipan”.
No comments:
Post a Comment