Thursday, August 16, 2012

Roof Top

Nakabibingi ang ingay na nanggagaling sa ambulansya sa kalsadang aking tinatahak, napakadami din ng tao sa paligid na ang mga tingin ay nakatuon sa itaas ng gusali. Dahan dahan akong lumapit sa kanila at akin ding itinuon ang tingin ko sa kanilang tinitingala.

Isa pa lang lalaki ang nakatayo sa pinaka kantong bahagi ng mataas na gusali. Sa hitsura pa lang nya mukhang malaki ang dinadala nyang problema sa buhay at mukhang pagpapatiwakal ang naisip nyang paraan para ito ay matakasan.

Pero maling mali ang paraan na naiisip nya, alam ko hindi ako super hero para makialam sa kanya, malamang nga kung aakyat ako at lalapit sa kanya baka hindi pa ako payagan ng mga pulis na nakabantay na sa kanya. Pero wala namang masama kung susubukan diba? Isa pa, para naman sa kanya ang gagawin kong pangingialam.

Dali dali kong tinakbo ang entrance ng gusali, sa pagkakataong ito alam kong magagamit ko ang aking pinag aralan. Graduate ako ng Psychology at alam kong makakatulong ang mga natutunan ko para di matuloy ang kanyang binabalak. Alam kong di ako pinalaki ng aking mga magulang na mangialam sa buhay ng ibang tao, pero alam ko na kung maaawat ko ang kanyang pinaplano magiging proud sa akin ang mga magulang ko.

Gaya ng inaasahan marami nga ang nakabantay na pulis sa kanyang paligid, ang isa sa kanila ay may hawak pang megaphone sa isip isip ko halos isang dipa lang naman ang layo nya sa lalaki bakit kailangan pa nyang gumamit ng megaphone. Lalapit na sana ako sa lalaki ngunit pinigilan ako ng isang pulis na pinakamalapit sa akin.

“Bawal ka dito, di mo ba nakikita nagkakagulo na nga tapos sisingit ka pa”

“Eh sir kapatid ko po yan eh” pagsisinungaling ko sa kanya.

Tumalikod sya sa akin at nilapitan ang isa sa mga kasamahan nya, maya maya pa ay sabay na silang papalapit sa akin.

“Kapatid mo ba sya talaga?” tanong ng isa.

“Opo” pagtugon ko habang umuusal ng patawad sa Diyos dahil sa pagsisinungaling ko.

“Sige subukan mo syang kausapin”

Huminga muna ako ng malalim bago dahang dahang naglakad sa kinaroroonan ng taong nais wakasan ang kanyang buhay. Malamig ang simoy ng hangin na marahang humahampas sa aking mukha, nagdulot ito ng kakaibang sensasyon sa buo kong katawan. Marahan akong umuusal ng panalangin habang papalapit ako sa kanyang kinatatayuan. Katulad ng nakita kong pwesto nya kanina mula sa ibaba ng gusali, ganun pa din ang pwesto nya ngayon nasa likod na niya ako.

“Kung tatalon ka bakit di mo pa umpisahan? Bakit nakatanga ka pa rin dyan” panimula kong bati sa kanya sabay tuntong sa tabi ng kanyang kinatatayuan.

“Kung tatalon ba ako dito sasaya ka ba” baling nyang tanong sa akin.

Medyo nagulat ako at napaisip sa tanong nya. Ano ba ang dapat kong isagot sa kanya, ayokong magkamali dahil buhay nya ang nakasalalay dito. Isa lang akong pakialamero na nais makatulong at ayokong dahil sa maling sagot ko ay mawakasan ang kanyang buhay.

Muli akong huminga ng malalim at naupo malapit sa kanya.

“Alam mo sa totoo lang sa totoo lang hindi ko malalaman ang sagot dyan sa tanong mo hanggat di mo nasusubukang tumalon. Pero bago ka tumalon may isa lang akong katanungan.”

Napansin kong medyo nagulat sya sa sinabi ko, tumingin sya sa ibaba ng gusali, bumuntong hininga at tsaka muling nagsalita.

“Ano naman ang tanong mo?”

“Alam kong problema ang dahilan kaya ka nakatayo ngayon sa tuktok ng gusaling ito. Pero alam mo din bang hindi solusyon ang naiisip mong paraan para makatakas ka sa problemang dala dala mo.”

“Bakit ano ba sa tingin mo ang pinaka mainam na solusyon sa problema ko? Ni hindi mo nga alam kung anong problema ang kinakaharap ko tapos kung magsalita ka parang ang dami mo ng alam sa mundo.”

“Bakit naisip mo din ba na hindi lang naman ikaw ang may problemang kinakaharap sa mundo? Naisip mo din ba na naisip din kaya nila na magpatiwakal dahil sa bigat ng kanilang pasan?”

“Iba iba naman ang persepsyon ng tao sa problema, may iba na idinadaan sa tawa. May iba naman na masyadong dinidibdib, at isa ako sa mga taong iyon. Hindi lang naman iisang beses na nakaranas ako ng problema, hindi lang ni minsan na sinubok ako ng tadhana. Pero nakakasawa na, paulit ulit na lang. Oo nakulong ako, nabilanggo dahil sa hindi ko sinasadyang pagkakadisgrasya sa kaaway ko. Pero pinagsisihan ko na ang lahat ng iyon sa loob ng bilangguan. Pinagdusahan ko na ang lahat ng iyon, pero heto pa rin sila minamaliit at minamata pa din ang pagkatao ko.”

“Alam mo ang buhay ay sadyang ganyan, maraming pagsubok ang kakaharapin mo sa mundo. Pero naiisip mo ba na kung magpapakamatay ka matatapos na din ang mga problema mo? Paano na ang mga taong maiiwan mo, mag iisip pa sila kung paano ka ipalilibing, mamomroblema pa sila kung saan ka ibuburol. Kung sa paningin ng iba isa ka pa ding kriminal bakit hindi mo patunayan sa kanila na maling mali sila at nagabagong buhay ka na nga. Sa mundong ito na ating ginagawalan hindi maiiwasan na dumanas ng pagsubok, hindi din importante kung ano ang tingin at sasabihin sayo ng ibang tao. Ang higit na importante sa lahat ay kung paano mo isinabuhay ang iyong pamumuhay. Hindi importante ang masamang pagtingin sayo ng iba, hindi ka naman namumuhay para sa kanila diba? Nabubuhay ka para sa sarili mo at para na din sa pamilya mo.”

Nagulat ako ng bigla syang tumayo, tatalon na nga ata. Ngunit tumalikod sya at bumaba sa aming kinauupuan.

“Salamat kaibigan, tunay ngang tama ang sinabi mo. Nakakahiyang isipin na sa isang batang katulad mo pa ako makakarinig ng mga ganyang salita. Hindi man kita kilala, pero nararamdaman ko sa puso ko na napaka buti mong tao. Sana ay hindi ka magbago, sana marami ka pang matulungang tao na kagaya ko, kagaya kong pinapanawan ng pag asa. Salamat sa iyong mga simpleng salita at pa-alala, hinding hindi ko ito makakalimutan.”

Iyon lang ang kanyang sinabi at dire-diretso na syang lumakad paalis. Ang mga pulis naman sa paligid ay tuwang tuwang nagpapalakpakan.

Salamat sa Panginoon, ang tanging nasambit ng aking mga labi.

My Endless Sonata

I’m dwelling with an endless drip
But it keeps on falling, uncontrollably
I wanted to leave and
Rest in peace these miseries
But my heart wanted to stay
It rather choose to feel the pain than
Suffer the grief of loosing
It is such an endless sonata,
Unbearable music,
That keeps my soul weeps.
Such an agony, such a pain
Running round and round inside my brain
How to cease this distress
How to stop the endless drip
No one knows, even myself
I really want to lay six feet under
So in this vain, I could escape
I wish to wake up from this
Infinite nightmare
But deep within me I know
Waking up is hardest thing
Because from the moment
I shut my eyes
This endless vain will still remain
My endless sonata
My endless music
Running round and round inside my brain