Saturday, March 17, 2012


Mataman mong minamasdan
ang hubad nyang kaligayahan
Sinasamyo ang kasariwaan
ng maningning nyang kabanguhan

Habang ang sandali ay tahimik
Unti unti mong pinadaloy ang iyong init
Hanggang iyong natunton
Ligayang kay tagal mo ng inasam

Bawat ulos ay mapusok
Tila isang nagbabagang espada
Di alintana ang kirot
pagkat alapaap ay nais maarok

Bawat himaymay ng kanyang isipan
naglalakbay sa kawalan
taglay ang nalasap na hiwaga
na nagdulot ng kakaibang ginhawa

Ilang ulit ka niyang iniwasan
ngunit tukso kang mapanlinlang
kaya’t sa iyong munting bitag
nahulog ang kanyang kamalayan

Pagmulat ng kanyang paningin
Ngiti mo ang nasilayan,
ngunit sa kanyang mga mata’y may
dumaloy na isang butil ng lungkot
nag iwan ng sugat at kirot

No comments:

Post a Comment